KAKAIBANG kuwento ng pagmamahalan at panlilinlang ang teleseryeng The Better Half na magpapakita kung hanggang saan ang kayang isakripsyo ng isang tao alang-alang sa pag-ibig, simula Lunes (Feb 13) sa ABS-CBN.
Sa istorya, nauwi sa trahedya ang pagsasama ng mag-asawang Camille (Shaina Magdayao) at Marco (Carlo Aquino) matapos bumagsak ang eroplanong sinasakyan ng huli.
Makikilala ni Camille si Rafael (JC de Vera), ang taong tutulong sa kanyang kalimutan ang nakaraan.
Mapuputol ang ligaya ng kanilang pagsasama nang muling magpakita kay Camille si Marco, ngunit asawa na nito si Bianca (Denise Laurel).
Kaya bang talikuran nina Camille at Marco ang buhay na mayroon na sila, o pipiliin nilang kalimutan na lang ang pag-ibig ng nakaraan?
Hayaan kaya nina Rafael at Bianca na maging masaya sa piling ng isa’t isa ang kanilang mga minamahal, o ipaglaban pa rin nila ang kanilang karapatan?
***
Gaano katotoo ang bulung-bulungan na lagpas-kalahati ang paycut ni Piolo Pascual sa ABS-CBN?
Kaya ba mas ninanais na lang nito na mag-effort gumawa ng pelikula at hindi na muna magteleserye dahil sa bagong arrangement nito sa network?
Ayon sa mga nasa Kapamilya network, hindi si Piolo lang ang may ganitong kaso kundi lahat.
Ang habol na lang ng mga artista ay regular at malawak na exposure, at maayos na branding.
***
Nakita si Mark Neumann sa pre-Valentine event ng TV5 at Cignal TV.
Siya na lang ba ang natitirang taga-Artista Academy na active sa Kapatid network?
Saan na kaya pupulutin ang natitirang talents ng network?
Sa mga mini-series na wala sa kamalayan ng viewers? Sayang naman…