Dennis, ‘bumukol’ kay Heart

Dennis Trillo

ANG seksing si Kim Domingo ang gumaganap na hot mistress ni Dennis Trillo sa naughty Kapuso series na Juan Happy Love Story.

Kiyeme ni Dennis, natsa-challenge siya sa mga eksena nila ni Kim at nararamdaman niya talaga na nagtatrabaho siya.

Super-effort siya sa scenes nila ni Kim.
Medyo hindi sanay si Dennis sa girls na malaki sa kanya. Eh ang tangkad na babae ni Kim, tapos ay aggressive pa ang karakter nito.

Hindi niya alam kung aggressive din ito sa totoong buhay.

In fairness ay seryoso sa trabaho ang tisay na dalaga at game ito kahit anong ipagawa, sabi ni Dennis.

Kahit maselan ang kailangang suotin ay game si sexy girl.
Happy siya na game na game si Kim?

“Oo!” ang bilis ng sagot ni Dennis.

Nakangiting dugtong niya, “Madaling makatrabaho kasi. Mahirap ‘yung maraming problema, ‘di ba?”

Kim Domingo
Kim Domingo

Tsinika namin kay Dennis na nag-‘viral’ ang pic ng shorts niya na may nakaumbok, sa isang eksena nila ni Heart Evangelista sa JHLS na hubad siya at naka-shorts lang habang nagpi-flex ng muscles niya.

Natawa ang Kapuso actor nang hiritan naming nag-‘trending’ ang shorts niya na may pabukol.

Laugh siya dahil hindi niya raw alam na may gano’n.
Naku-conscious ba si Heart ‘pag may nakikitang ganu’n sa shorts niya?

“Ewan ko, hindi namin napansin.”
Hindi nasa-shock si Heart?

“Hindi naman. Nasanay na siya dahil marami kaming eksenang ganu’n, eh.”
Sinadya niya bang may bumukol sa shorts niya?

“Hindi, hindi,” naka-smile na pakli ni Dennis.
Baka may sariling buhay ‘yung nasa loob ng shorts?

“Hindi ko matandaan! Ha! Ha! Ha! Talaga? Hindi ko nakita ‘yun, ah?”

Natawa lang ulit si Dennis nang sabihin naming marami siyang napaligaya sa bulge pic niyang ‘yon.

Napapanood ang mga ka­pilyuhan at kaberdehan sa Juan Happy Love Story sa GMA Telebabad pagkatapos ng Descendants of the Sun.