Dennis, kulang sa PAGMAMAHAL

Dennis Trillo

AT dahil may bagong drama serye si Heart Evangelista, pinatay na ang karakter niyang si Alwina sa Mulawin vs Ravena.

Ang tanong, bakit si Alwina lang ang tinapos? Wala ba silang balak na tapusin agad-agad ang fantaserye that refuses to fly high ratings wise?

Ilang linggo na itong umeere, pero hindi pa rin matinag-tinag ang kalaban. Can we therefore opine that this is one of ka-Siyete’s most expensive TV mistakes?

Anu-ano ang mga konklusyon na pwede nating isa-isahin sa pangyayaring ito?

Sawa na ang mga loyal ka-Siyete sa mga taong ibon at lumilipad. Mas gusto nila ang mga light TV fare na kahit paano, eh anchored pa rin sa realidad.

Mahusay na aktor si Dennis Trillo, kaso, wala siyang panghalina sa masa.

Walang Richard Gu­tierrez at Angel Locsin na kasama. Kapwa nasa La Luna Sangre na ang orihinal na Aguiluz at Alwina.

Critics love Trillo, kasi, he is a good actor. Kaya nga ka-Siyete Drama King siya.

Women love him as well pero bakit tila kulang ang pagtanggap at pagmamahal para sa kanya?

If we go back to his title, hindi ba mas mahal si Dennis pag “drama” talaga ang kanyang ginagawa?

Ang young stars na kasali, ang team up nina Bea Binene & Derrick Monasterio, wala bang panahon ang kanilang supporters para pakatutukan ang palabas?

Hindi ako nananalig na wala silang mga telebisyon sa kanilang mga tahanan kaya hindi sila nanonood.

Kung walang naitulong sina Bea & Derrick, ano pa ang aasahan natin sa tambalang Miguel Tanfelix & Bianca Umali?

Si Kiko Estrada, one of the most promising young actors ang binata pero ang kanyang promise, hindi sapat para hikayatin ang mga manonood.

Ang kuwento tungkol sa Tierra Fuego at mga taga-Avila at Halconia ay sadyang hindi nagpapaigting sa pagkamausisa ng mga inaasahang manood nito?

Mas bongga ba kung ang mga ibong mandaragit na ito ay ginawan­g tunay na mga tao na lamang at sa corporate world or contemporary times sila naglalaban at nagsasabong?

Ano pa bang payanig ang dapat nilang gawin para malayang makalipad ang Mulawin vs Ravena at maiputan man lang nila ang FPJ’s Ang Probinsyano para kahit paano, maging bato at walang buhay ito?

***

Bonggang payanig para sa diva that you love ang special, live performance ni Nyoy Volante sa It’s Showtime.

Estrellang-estrella ang kanyang production number mula sa Kinky Boots musical kung saan bida siya.

Sabi ni kumareng Theater Duchess, “Kayhusay-husay ni Nyoy sa kanyang guesting. Best performance of a drag queen in a noontime variety show.

“I am so sure, Vice Ganda was so inggit. Wala kasi siyang bearing, class at musical theater chutzpah na meron si Volante.”

Ang additional surprise sa Kinky, ang papable papa ni Volante sa musical ay si Laurence Mossman na “masarap” — tall, talented and oh so beefy and definitely yummy man.

A different kind of love plus the songs of Cyndi Lauper, aarte ka pa?