HINDI pwedeng pagtaasan ng kilay ang tagumpay ni Dennis Trillo bilang Asian Star Award na galing sa Seoul International Drama Awards.

Ang karangalang ito ay para sa mahusay niyang pagganap sa My Faithful Husband.

Hindi pwedeng ikaila at lalong hindi kiyeme latik ang title na ibinigay kay Trillo, siya ang the Philippines’ Drama King.

Hindi lang sa Pilipinas hinahangaan ang kanyang husay bilang aktor, sa ibang bansa pa. And of all places, sa South Korea at that, na isang bansang world class ang mga palabas, contemporary man o costume/historical dramas o comedies or even those na may pink themes.

As Dennis ages, the years have been kind to him. Sa Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend trailer, ‘yung slow mo grand entrance ni Trillo, muy guapito ito, closed ang facial pores at swak na swak ang pagka-gym fit.

Sa sobrang gandang lalaki nito at dahil parang as fresh as the morning dew ang fezlak, may mga naiintriga na baka nagpa-botox ang lalaking minamahal ni Jennylyn Mercado kaya maintained nito ang handsomeness at youthful glow.

Sobrang harsh kayo kay Dennis!

Sa larawan nila ni Korean superstar ni Song Joong-Ki na mismong si Trillo ang nag-post, inch per inch eh kaya niya itong tapatan sa pagandahang-lalaki.

Mas matangkad ang Korean superstar pero wala akong dudang mas gifted si Dennis, ‘noh?!
Maski itanong ninyo pa sa mga babaeng minsan ay minahal niya.

Gifted siya sa pagmamahal at husay sa romansahan.

Ang diva that you love, with this Asian award recognition para kay Dennis Trillo, sana eh may opportunities na magbukas sa kanya para makaarte rin sa mga teledramas o pelikula sa ibang Asian territories.

Knowing how good he is as an actor and how committed he is to his craft, welcome addition siya sa kahit na anong proyektong pang-international.

Matalino pa si Dennis, so learning a foreign language, will be easy for him.

Thank you for making your country proud. You are indeed the fabulous Dennis Trillo!