May nagtsika sa amin na napili na ng GMA-7 ang aktor na magbibida sa Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na “Descendants of the Sun.”
Ang magiging leading lady ng aktor ay hindi pa raw napagdedesisyunan at mukhang magpapa-audition daw para rito.
Isa sa pinu-push ng mga Kapuso fan na magbida sa local version ng “DOTS” ay ang DenJen tandem nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
After gawin ng mag-sweetheart na sina Song Joong-ki at Song Hye-kyo ang nasabing K-drama ay ikinasal sila in real life.
Ang sabi ng mga netizen ay swak na swak talaga sa “DOTS” ang DenJen at posible rin mangyari ‘yon na pagkatapos nilang magtambal dito ay doon na mangyari ang inaabangang kasal ng Kapuso power couple.
Ayon sa nasagap naming info ay hindi si Dennis ang napiling aktor na gaganap sa role ni SJK na si Big Boss, so mukhang si Jennylyn na lang daw ang may chance kung sakali dahil hindi pa nga naka-cast ang female lead role.
Nang mahingan ng reaksyon si Jen tungkol dito, ang sabi niya ay hindi niya napanood ang “DOTS,” pero kung ibibigay daw ito sa kanya ay bakit hindi?
Pero sa ngayon ay focused daw muna si Jen sa bago niyang primetime series na “Love You Two” with Gabby Concepcion.
“Hindi pa nga nagsisimula ‘to, meron agad?” natatawang dayalog ni Jen.
Sa April 22 ang premiere episode ng romcom series na “Love You Two” directed by Irene Villamor.
Samantala, nahingan din ng reaksyon si Jen sa isyung isa siya sa mga gusto ng mga netizen na magbida sa bagong “Darna” movie kung saan nag-backout na si Liza Soberano kaya up for grabs na ang nasabing role.
“Kung isa man ako sa mga nababanggit, siyempre flattering naman po ‘yon para sa akin,” maiksing reaksyon ng 31-anyos na Kapuso actress.
Lorin kakabugin si Ruffa
Beauty queen in the making ang panganay ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Gutierrez.
Ka-bonding ni Ruffa sa Thailand ang 15-year-old daughter niya at bongga ang post niya na nakaupo sa may swimming pool ang naka-two-piece na si Lorin at litaw na litaw ang kaseksihan ng dalagita.
Pang-model at beauty queen ang dating ni Lorin, na ang hahaba ng legs at puwedeng-puwedeng isabak sa Bb. Pilipinas o Miss World-Philippines in a few years.
Mukhang mangangabog si Lorin kapag pinasali sa mga beauty contest at baka talbugan pa niya ang naging record ng Mommy Ruffa niya noon sa Miss World.
Naalala namin na nu’ng mga bagets pa ang magkapatid na Lorin at Venice ay pina-presscon sila ni Ruffa at na-impress kami sa husay sumagot ni Lorin sa mga tanong ng press at a very young age.
Ang alam namin ay kumakanta rin si Lorin at wish pa niya that time na maging singer.
Ibig sabihin ay talented ang bagets bukod sa beauty and brains.
Busy sa kanyang studies si Lorin pero gusto rin nitong mag-showbiz at may plano noon si Mother Lily Monteverde na kunin ito para bigyan ng pelikula sa Regal Films.
For sure, hindi lang si Ruffa ang very proud na ang daming pumupuri kay Lorin sa Instagram post niya na ‘yon.
Si Tita Annabelle Rama kasi ay sobrang bilib din sa kanyang pretty and talented apo.
Ang comment ng celebrity friends ni Ruffa ay like mother like daughter dahil pam-beauty queen nga rin ang kanyang first born.
Kamukha raw ito ng model na si Kendall Jenner at ng singer na si Dua Lipa. Sana raw ay maging future Miss Universe si Lorin.
May chance!! PAK!!