TAMIS-TAMISAN ang pics nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na kuha sa pa-surprise birthday party ni Jen for Den.
Nag-36 si Dennis nu’ng Mayo 12 at hindi nito alam na may inihandang surpresa si Jen.
Pagdating nila sa bahay ni Jen ay nandu’n ang family and friends ni Dennis at inawitan ito ng birthday song.
Obvious na si Jen ang punong-abala sa pasurpresa na ‘yon dahil sa pinost niyang pics sa Instagram ay nagpasalamat siya hindi lang sa Niceprint Photo na kumuha ng photos kundi pati sa iba pang party favors supplier.
Ang thoughtful na girlfie ni Jen, kaya kita sa mukha ni Den na sobrang touched ito sa effort ng nobya.
Ang sweet nu’ng kuha nila na buong lambing na kini-kiss ni Dennis si Jen sa ulo.
Ang ganda-ganda at very positive ang aura ngayon ng DenJen. Ang genuine nu’ng happiness nilang dalawa at talagang bagay na bagay sila.
Isa ang DenJen sa masasabing tunay na Kapuso power couples.
Bida sila pareho sa kanya-kanyang primetime series na malalaki at pambato ng network.
Mapapanood namin tonight ang pilot episode ng Mulawin vs. Ravena ni Dennis sa press launch nito.
Sunod na ilu-launch ang Pinoy version ng K-novelang My Love From the Star ni Jen.
Sa taping ng MVR ay may pa-birthday din kay Dennis at present din doon si Jen.
Ngayon (May 15) ay 30th birthday naman ni Jen.
Malamang si Dennis naman ang may payanig na sorpresa para sa kanyang loving girlfie.
God bless you Jenny and Dennis ! Sana kayo na !