BUKAS na ang finale episode ng naughty Kapuso comedy series na Juan Happy Love Story, kaya medyo senti si Heart Evangelista sa kanyang post sa Instagram.
“I would like to say THANK YOU for loving our show, our characters, OUR story.
“This show made me fall in love with my craft all over again. Thank you GMA for believing in me and pushing me to do something I never thought I could possibly do (sexy/naughty was never really me).
“Thank you to our directors, writers, hardworking crew, to EVERYONE! My goodness… this show was amazing and will always always be close to my heart.
“Maraming salamat po sa LAHAT ng nagmahal ng show na ‘to and for giving us consistent high ratings and sa lahat ng nagpa-trend on social media.
“Para sa mga fans ko, HeartWorld, 18 years n’yo na ako minahal. Sa lahat ng mga pinagdaanan ko, lagi kayo nandiyan para sa akin. Thank you for always being positive. Cheers, loves!
“After our last taping day, I start living my life again. Sa ‘yong sa ‘yo na ulit ako, sweetheart!” bulalas ni Heart sa IG.
***

Hanggang sa ending ng show ay pilyo pa rin ang seryeng ito nina Heart at Dennis Trillo.
Problemado si Juan (Dennis) dahil ayaw siyang tigasan kahit anong pang-aakit ang gawin sa kanya ni Happy (Heart).
Nang ma-stuck sila sa tuktok ng ferris wheel at mag-kiss sila ay doon nagsimulang tigasan si Juan, kaya sinabi niyang mag-sex silang mag-asawa bago sila mamatay.
Mahuhubaran ang dalawa at magliliparan ang kanilang mga damit.
Gulantang ang pamilya nila nang makitang walang saplot sina Juan at Happy!
May special guest pa sila sa finale. Fast forward sa taong 2066 ay papasok si Carla Abellana bilang grown up daughter nilang si Katkat.
Sumulat ng libro si Katkat tungkol sa kuwento ng pag-ibig ng kanyang mga magulang na pinamagatang ‘Juan Happy Love Story’.
Kapuwa na matatanda, paaakyatin ni Katkat sa stage ang parents niya sa kanyang book launch at mahihilingan na mag-kiss ang dalawa.
Maglalapat ang mga labi nina Juan at Happy sa nakaka-good vibes na ending ng Juan Happy Love Story, na next week ay papalitan ng Someone to Watch Over Me nina Tom Rodriguez, Lovi Poe at Max Collins.
Puro kabastusan ang item nitong si baklang diones!! kung minsan may salita pang karatan,..anu ba yan
Another garbage series…
Basura