Dennis Uy ipinatawag sa third telco hearing ng Senado

Ipinatawag ng Senate committee on public services ang Davao-based businessman na si Dennis A. Uy at ilang opisyales ng gobyerno para sa ikatlong Senate investigation hinggil sa ikatlong major telecommunications company o telco.

Sinabi ni Senadora Grace Poe, chair ng naturang komite, na inaasahan nito ang pagdalo ni Uy para talakayin ang compliance ng Mislatel Consortium – ­binubuo ng Udenna Corp., Chelsea Logistics at Chinese state-owned China Telecommunications Corp. – matapos itong sumalang sa 90-day ­review process.

Inaasahan din ng senadora na maihahatid ng ikatlong telco ang mga ­pangakong mapabuti ang serbisyo ng telecommunications sa bansa.

“We hope that this third telco lives up to its promise to improve the ­telco services in the country because there will be more competition in the ­industry,” sabi ni Poe.

“Gusto talaga nating magtagumpay ang third telco pero kaakibat nito, dapat mapawi ang mga agam-agam sa seguridad ng ating bansa,” dagdag nito.

Kabilang sa mga inimbitahan ay si Pampanga-based businessman ­Dennis Anthony H. Uy, may-ari ng telco provider Converge ICT Solutions Inc., na napaulat na may interes ring makianib sa Mislatel para suportahan ang ­operation ng third telco.

Sa Enero 24 ng dakong alas-10 ng umaga nakatakdang i-resume ang pagdinig sa third telco.