Inatasan ni Secretary Roy A. Cimatu ang kanyang mga opisyal at kawani sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na araw-araw na maglinis sa Baywalk ng Maynila at sa Baseco bilang bahagi ng isinasagawang rehabilitasyon ng Manila Bay.
“I want DENR personnel to be out there, cleaning daily, and those with desk jobs to experience how it is to work in the field,” ani Cimatu sa mga kawani ng ahensiya sa ginanap na tradisyunal na New Year’s Call sa DENR Central Office sa Quezon City noong Biyernes.
Ang direktiba ni Cimatu ay nakatuon sa mga kawani ng DENR sa mga central at regional office na nasa Manila Bay Region, pati na rin ang mga bureau at attached agency.
Sinabi ng kalihim na nais niyang maging ‘more visible’ ang DENR sa rehabilitasyon ng Manila Bay sa taong ito.
“For the year 2020, I am confident that we will again prove to the Filipino people that indeed there is a Department that takes care of their environment and natural resources,” diin ni Cimatu.
Alinsunod sa kautusan ni Cimatu, naglabas si DENR Undersecretary for Priority Programs and Field Operations-Luzon at Manila Bay Task Force Ground Commander Juan Miguel Cuna ng memo para sa mga opisyal at kawani ng DENR na inatasang magsagawa ng daily cleanup drive mula Enero 6 hanggang 10.
Batay sa memo, 150 kawani ng DENR ang itatalaga sa Baywalk at Baseco Beach araw-araw maliban sa Enero 9 kung kailan gaganapin ang taunang prusisyon ng Itim na Nazareno.
Sina Assistant Secretaries Ricardo Calderon at Corazon Davis ang mamumuno sa mga kawani ng Forest Management Bureau (FMB) at Biodiversity Management Bureau (BMB) sa paglilinis sa Enero 6.
Ang mga kawani ng FMB at BMB ay maglilinis din sa Enero 7. Sila ay pangungunahan nina Assistant Directors Armida Andres at Edna Nuestro.
Sa Enero 8, sina Cuna at Assistant Secretary Gilbert Gonzales ang mamamahala sa grupo mula sa FMB at National Water Resources Board (NWRB).
Mga kawani naman ng DENR Central Office at Land Management Bureau ang maglilinis sa Enero 10 kasama sina Assistant Secretary Joselin Marcus Fragada at NWRB Executive Director Sevillo David Jr. bilang mga supervising official.
Samantala, inatasan ni Cimatu