Tulad ng ginawa sa Boracay, pinag-aaralan din ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na dagdagan ng 20 metro ang easement zone sa El Nido Palawan.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, mas mae-enjoy umano ng mga turista ang beach kung mas ma­lawak ang beach front tulad ngayon sa Boracay na malayo ang mga establisimyento.

Pabor din si Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat sa suhestiyon ng DENR kung kanilang umano itong pag-aaralan.

Subalit tumututol naman ang lokal na pamahalaan dahil nangangahulugan umano ito na maraming negosyo ang maaapektuhan.

“We’re hoping that it won’t go to that because it will be a long process. Some of the properties here are titled. Besides, the case here is not really like Boracay,” paliwanag ni El Nido Mayor Nieves Rosento.