DENR magtatayo ng dagdag na sanitary landfill

Upang matugunan ang lumalaking ­problema ng solid waste management sa bansa ­umaasa ang Department of Environment and Natural ­Resources (DENR) na mas maraming engineered sanitary landfill ang maitatayo bago ang taong 2022 sa bansa.

Ayon kay DENR Undersecretary for ­Solid Waste Management and Local Government Units ­Concerns Benny D. Antiporda, ang sanitary ­landfill ang pangunahing pangmatagalang paraan ng solid waste disposal na pinapayagan sa ilalim ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Dagdag ni Antiporda, ang sanitary ­landfill ay ipinag-uutos ng nasabing batas sa mga ­local ­government unit (LGU) bilang paraan ng safe ­disposal of untreated solid waste or resource ­recovery residuals.

Subali’t, maliit pa din umano ang bilang ng sanitary landfill matapos ang 20 taon simula nang ipatupad ang RA 9003.

“What we need in this country is about 1,700 sanitary landfills for all the municipalities and ­cities. But, sad to say, we only have 108 as of the moment and this number could even decrease in the future,” ikinalungkot ni Antiporda. (Riz ­Dominguez)