Department of Disaster Resilience ihahabol sa 17th Congress

Sisikaping maihabol ang pagsasabatas ng panukala na magtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) bago matapos ang 17th Congress.

Naniniwala si Leyte Rep. Yedda Marie Romualdez na kaya pang maaprubahan ang naturang panukala kasabay ng muling pagbubukas ng sesyon sa Mayo 20, 2019.

Mahalaga aniya ang pagsasabatas nito lalo na’t magkakasunod ang nangyayaring lindol sa iba’t ibang panig ng bansa.

“The earthquakes and aftershocks we have been experiencing recently should prompt us to work for the approval of the Department of Disaster Resi­lience,” pahayag ni Romualdez.

Kaya naman marubdob na nakikiusap ang kongresista sa mga senador na aktuhan na ang panukala para makaabante na ito.

“I believe we still have time to work on the approval of the proposed Department of Disaster Resilience. I am appealing again to our good senators to consider fast tracking the passage of the DDR bill as this would help drastically reduce, if not totally eliminate, the bureaucratic red tape that has caused many delays in the delivery of immediate assistance needed by disaster and calamity victims,” apela ni Romualdez.

Si Romualdez ay isa sa principal sponsor ng DDR measure na inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa noong nakaraang taon. (Aries Cano)