Department of OFW nagkakalinaw

Kumpiyansa si ACTS-OFW Party-list Aniceto ‘John’ Bertiz III na bilang priority agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mabilis na maisasabatas ang kanyang inihaing panukala hinggil sa pagbuo ng Department of OFW o Department of Migration and Development.

Masayang ibinalita ng neophyte solon na sumalang na agad sa first reading ang kanyang panukala na magtatatag sa bagong kagawaran na alay sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

“Ito na talaga ‘yung panahon para magkaroon tayo ng separate department para sa mahigit sampung mil­yong OFW sa buong mundo at nakita mo naman kung paano ang paghihirap ng ating mga OFW hindi alam kung saan sila tutungo o kung sino ang pupuntahan nilang ahensya at kung sino ang tutulong sa kanila andyan ang DFA, OUMWA, andyan ang CFO, OWWA , POEA so napakarami kaya nga ito ang mga isinulong na priority bill natin na magkaroon ng isang departamento na mangangalaga lang sa kapakanan at proteksyon ng ating mga OFWs,” ayon pa kay Bertiz.