DepEd: 13th month ng mga titser ibibigay na

Maagang ipamimigay ng Department of Education (DepEd) ang 13th month pay ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Ayon kay Education Undersecretary Annalyn Sevilla, ang maagang pagbibigay ng 13th month ay isa lamang sa ayuda ng kagawaran para sa mga guro ngayong mayroong coronavirus disease 2019 o COVID-19 pandemic.

“Ang ating 13th month pay ay atin nang pinoproseso at ready na rin for release by May 15,” ayon kay Sevilla.

Bukod pa 13th month pay, ibibigay na rin sa mga guro ang kanilang sweldo para sa Marso at Abril sa susunod na buwan.

Dagdag pa sa matatanggap ng mga guro sa pampublikong paaralan ay ang kanilang P6,000 clothing allowance. (Ray Mark Patriarca)