DepEd kinalampag sa 59K kulang na guro, personnel

Sinabihan ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor ang Department of Education (DepEd) na punan ang kakula­ngan ng guro at ma­ging ang non-­teaching positions sa mga public school.

Base sa staffing summary ng pamahalaan para sa 2020, ang public school system ay may kabuuang 966,159 permanent position pero 907,133 lamang ang napunan.

Nangangahulugan na ang DepEd ay may 59,026 na bakanteng posisyon na karamihan ay mga guro.

Giit ni Defensor ang kakula­ngan o malaking bilang ng bakanteng posisyon ay nangangahulugan na mas malaki ang bilang ng estudyante kaysa sa mga guro sa bawat klase at nasasakripisyo umano dito ang edukasyon ng kabataan.

“We are sacrificing the education of our children by lumping more students in a class because we lack teaching and non-teaching personnel,” ayon kay Defensor.

Nagreresulta rin umano ito sa dagdag gawain sa mga guro na dapat ay para sa mga non-teaching at administrative position.

Dahil dito, pana­wagan na rin ni Defensor sa mga qualified education gra­duate na mag-aaply ng trabaho sa pampublikong paaralan.

“I am sure that the compensation in the public school system is higher than that in private schools. This is the reason why many private school teachers are migrating to the public education sector,” giit ni Defensor.

Dagdag pa ng solon, wala umanong dahilan ang DepEd para hindi kumuha o mag-hire ng mga kawani nito upang punan ang bakanteng posisyon dahil ito’y pinondohan na sa ilalim ng natio­tnal budget.(Eralyn Prado)