Malamig ang pagtanggap ng Department of Edu­cation (DepEd) sa panukalang agahan ang Christmas break ng mga estudyante bilang isa sa mga solusyon upang maibsan ang problema sa trapik.

Sa pagharap kahapon sa budget deliberation sa Senado kaugnay sa proposed budget ng DepEd, sinabi ni Secretary Leo­nor Briones, na bagama’t maganda ang hangarin ng naturang panukala, sa kanilang sariling obserbasyon ang pagpapatupad ng maagang Christmas break ng mga estud­yante ay wala namang kaugna­yan sa nararanasang masikip na daloy ng trapiko.

Gayunpaman,­ ayon kay Briones, kinokonsidera at pinag-aaralan pa rin nila ang naturang panukala.

One Response

  1. Naku! Bobo namang nag suggest yan hindi dyan ang prolema sa trapik ang prolema dapat hindi lahat ng mga sasakyan magbebeyahe sabay-sabay dapat may schedule everday ang mga may ari ng mga sasakyan.