DepEd pinaaga ang Christmas break ng mga estudyante

Imbes na Disyembre 22, binago ng Department of Education (DepEd) ang magiging Christmas break ng mga mag-aaral na nasa elementarya at high school sa Disyembre 15, para bigyan ng mas mahabang oras ang mga ito na makasama ang kani-kanilang pamilya.

Inanunsyo ng ahensiya ang naging pagbabago sa school calendar ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan at binigyan ng kalayaan ang mga pribadong eskuwelahan kung susundin ang kautusan.
Sa Enero 2 naman ang itinakdang pagbabalik ng klase sa lahat ng eskuwelahan sa bansa.