DEPENSA ARMAS NG BOLTS

Mga laro mamaya: (Smart Araneta Coli­seum)
4:15 p.m. — Alaska vs. Meralco
7:00 p.m. — GlobalPort vs. Star

Makasapol ng dalawang ibon sa isang bato ang tudla ng Meralco sa krusyal na pakikipagbuno sa nabuhayan pero nasa kritikal pa ring Alaska sa pa-homestretch ng PBA Governors’ Cup elims mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Asinta ng Meralco na sundan ang 96-90 win sa Star noong Sabado para sa seventh victory sa nine games na magsasama sa kanila sa top spot sa Ginebra (7-2), at higit sa lahat maglalapit sa top four finish na may twice-to-beat incentives pagsapit ng quarterfinals.

Alerto si Norman Black na ang kampo’y nasa solo second sa 6-2, half game lang sa nasa tuktok na Gin Kings (7-2), kahit nasa 10th place sa standings lang ang Alaska sa 3-6 na huling kinalos ang KIA (102-94) noong Linggo.

“Alaska is on a roll so we must be well prepared. Our ablity to hand­le their full court pressure will be one of the keys for us,” wika ni Norman Black sa bisperas ng pakikidigma sa pangu­nguna nina Buck Henton, Calvin Abueva at JVee Casio ng Alaska sa alas-4:15 ng hapon.

“Keeping them off the offensive glass will also be important. Once again we will rely on our defense to try and get the win,” hirit pa ng Bolts coach, na mapapabuti ang karera sa ­bonus kung mananalo rin sa GlobalPort at San Miguel Beer.

Nagsimula ang Alaska sa 0-6 bago nakabawi, kaya nasa pagragasa ma’y kailangang-kailangan pa ring magpapanalo, kasama ang sa Bolts at sa Rain or Shine upang makapasok sa playoffs.

“This is a tough situation for us,” ani Aces chief tactician Compton. “We have what is a must-win against one of the very best teams in our league.”