MAY ilan kaming nakausap na nagtaas ng kilay nang ipinagtanggol ni Claudine Barretto ang ate Gretchen Barretto niya na natsitsismis ngayon kay Atong Ang.
May ilan din kaming sources na nakakausap na tila mas marami pang alam pero ayaw na lang nilang magdagdag ng kuwento.
Si Manay Lolit Solis ang bonggang nag-reveal sa nasagap niyang kuwento na nakakita sa sweetness nina Gretchen at Atong kamakailan sa isang restaurant sa Greenhills.
Nakakatuwa lang daw na sa gitna ng isyu rin sa magkakapatid, nagkampihan pala sila at ipinagtanggol na ni Claudine ang kanyang kapatid.
Sabi ng aktres na lumabas sa PEP, matagal na raw close sa pamilya ang kilalang negosyante. Kaya nakakahiya raw sa pamilya nito na inili-link pa kay Gretchen.
“Huwag naman ganu’n,” pakli ni Claudine.
“Malaki ang respeto ng lahat kay Tonyboy. Kaibigan lang talaga namin dahil nga nagkataon lang na naging girlfriend niya ‘yung isang pamangkin ko.”
Sabi pa ni Claudine, “Napakabuting tao ni Atong, wala akong masabi diyan. Napakabuti niyang kaibigan, kaya siguro nabibigyan lang ng malisya.”
Nakikita raw nila kung gaano kamahal ni Gretchen si Tonyboy kaya huwag na raw lagyan ng malisya ang friendship ng ate niya kay Atong.
Wala raw masama kung magkaibigan sila.
Tinanong namin si Manay Lolit kung tinawagan ba siya ni Gretchen para klaruhin ‘yung isyu, hindi naman daw.
Nanahimik lang siya ngayon at hindi niya pinatulan ang intrigang ito.