Mga laro ngayon (FilOil Flying V Centre)
12:00 nn. – UST vs. FEU
4:00 p.m. – DLSU vs. UP
Patuloy ang dominasyon ng Ateneo, sinagasaan naman ang Adamson 71-59 sa umpisa ng kampanya sa second round ng 80th UAAP basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum kagabi.
Kinalawit ng Blue Eagles ang malinis na 8-0 card kasunod ng elimination round sweep sa Soaring Falcons.
Hindi nakalaro si Papi Sarr sa Falcons nang makaharap ang Ateneo sa first round, pero hindi pa rin nagbago ang resulta kahit balik na ang big man.
Inilabas ng Blue Eagles ang tikas sa depensa, nilimitahan ang Adamason sa 24 points sa first half.
Hindi tumigil ang mga taga-Katipunan sa second half sa pangunguna ni Thirdy Ravena, lumayo ang Eagles 71-50 sa 3 ni BJ Andrade.
Napigil ang four-game winning run ng Adamson at dumausdos sa 5-3.
“It was a defensive game. Adamson is a very good defensive team also.” ani Ateneo coach Sandy Arespacochaga.
Nakasama ni Ravena si Isaac Go para iharurot ang Blue Eagles sa third period.
“We also focused on our perimeter defense. I would like to commend our guards for defending their guards,” ani Arespacochaga.
Kumana si Ravena ng 15 points at nine rebounds, bumakas sina Isaac Go at Vince Tolentino ng tig-eight markers.
Nirehistro ni Sarr ang 15 markers para sa Falcons.