Balak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na palawakin pa ang deployment ban sa mga overseas Filipino workers (OFWs), partikular ang mga household service workers (HSWs), sa iba pang bansa sa Middle East na talamak rin ang kaso ng pagmamaltrato at pag-abuso sa mga manggagawang Pinoy.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ang pagpapalawak ng deployment ban ang maari nilang gawin kung mabibigo ang iba pang Arab countries na tiyakin at palakasin pa ang pagbibigay ng proteksyon sa karapatan at kapakanan ng mga OFWs.

“For example, in Saudi, it is a common malpractice that the emplo­yer trades or switch their worker to other emplo­yers. That’s what they call the Kafala system and it is always for conside­ration. We will impose the same restrictions (like in Kuwait) and will consider deployment ban if strengthened protection of our OFWs was not assured,” ayon kay Bello.

Nabatid na ipinagbabawal sa Kafala practice o sponsorship system ang isa sa mga probisyon na isinusulong ng pamahalaan na maisama sa kasunduan na niluluto nito sa Kuwait. Sa ilalim ng Kafala o sponsorship system, ang Arab sponsor-employer ang may entire control sa mobility ng migrant worker.

Inihalimabawa nito ay hindi maaaring umalis sa kanyang trabaho o lumipat ng employer ang OFW nang hindi muna nagpapaalam sa kanyang employer, kaya’t nagi­ging dahilan ito madalas ng pang-aabuso sa kanila. (Juliet de Loza-Cudia)