Noong Linggo ay napag-usapan natin ang pagbaba ng deployment figures ng OFWs ayon sa report ng isang local bank. Ang datos ay ibinase naman daw sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Incidentally, isang radio report ang nagsabing nasa mahigit 4 million na raw ang OFWs sa pinakahuling suma ng pamahalaan.
That could not be accurate really dahil as of last year ay nasa 2.5 million lang ang OFWs sa kabuuang bilang ng 10 milyong overseas Filipinos, including ‘yung hindi naman nagtatrabaho.
Inaccurate report?
In short, imposible naman na lumaki ng halos kalahati ang bilang ng OFWs vis-a-vis sa bilang ng Global Pinoys.
Ang tingin natin ay erroneous ang report na paglaki raw ng bilang ng OFWs dahil ito ay taliwas din sa ini-report ng BSP na contraction o paghina ng OFW deployment figures.
As we said previously, about 10 percent ang ibinaba ng deployment ng land-based workers at over 40 percent naman ang sa sea-based workers.
Off the bat
Kung inyong natatandaan, we raised the question kung bakit ang laki naman ng ibinagsak ng deployment numbers ng sea-based OFWs.
Ilan sa off-the-bat ay naisip natin ang naging qualification issues na ni-raise ng European Council sa mga maritime graduates natin dahil sa paglilipana noon ng fly-by-night maritime schools.
Pero sa tingin natin dito ay malaki ang ibinaba ng deployment figures ng sea-based OFWs dahil epekto pa rin ng pagbaba ng presyo ng krudo sa world market.
Offshore oil rigs
Let’s not forget na classified as sea-based workers ang offshore oil-rig workers. Maraming OFWs na nagtatrabaho sa naturang oil rigs ang jobless ngayon.
Dahil sa mas mababang demand sa krudo, maraming oil rigs ang nakatengga o on standby sa kasalukuyan. Sayang dahil ang oil-rig workers pa naman ay kabilang sa may pinakamatataas na suweldo.
We can also imagine na mas limitado ngayon ang biyahe ng oil tankers dahil sa less demand sa krudo. Marami sa naturang oil tankers ang tinitimon ng mga kapitan at top officers na Filipino, gayundin ng rank and file na crew.
Primary reason
Mas malamang sa hindi ay ito ang dahilan kung bakit ang laki ng ibinagsak ng deployment figures ng sea-based workers.
Follow Me on Twitter at @beeslist. Kung may ipinagsisintir, tawag lang sa 551-5163 o mag-email sa usapang_ofw@yahoo.com.