Umaasa ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) na agad nang pagtitibayin ng 17th Congress ang panukalang pagtatatag ng Department of Housing and Urban Development na mas lalong tututok sa problema ng pabahay sa Pilipinas.

Sa pagdinig ng House Committee on Housing na pinamumunuan ni Negros Oriental Rep. Albee Benitez sinabi ni Atty. Paolo Salvosa ng HUDCC na positibo nilang maisasabatas ang panukala matapos na rin kumpirmahin ng Kamara na target nilang maiakyat sa plenaryo sa Enero 2017 ang Department of Housing Bill.

Sakaling maisabatas mangangahuluhan na bubuwagin na ang maraming mga housing agencies at pag-iisahin na lamang ito.

Sa ganitong paraan umano ay mas mapapabilis ang pakikipagtransaksyon ng publiko sa ahensya gayundin ay mas mapagtutunan ng pansin ang mga programa lalo at iisang ahensya na lamang ang mangangasiwa sa mga housing projects.