NI: ARCHIE LIAO

Marami ang naintriga sa cryptic post ng Kapuso actor na si Derek Ramsay na “Soon.”

Sa mga fan nila ng girlfriend na si Andrea Torres, maaari raw bagong proyekto o teleserye itong pagsasamahan nila sa GMA-7.

Hirit naman ng mga excited netizen, aaminin na raw ng hunk actor na engaged na sila ng sexy Kapuso actress.

Matatandaang sa isang panayam, inamin ni Derek na si Andrea na ang babaeng gusto niyang pakasalan at makapiling habang buhay.

Kung sakaling lalagay na sila sa tahimik, wala rin daw namang magiging problema dahil boto ang mommy ng aktor sa kanyang nobya.

Wala ring legal impediment dahil matagal nang annulled ang marriage nito sa ex na si Mary Christine Jolly.

Pakiramdam ng karamihan ay malapit na talagang ikasal ang dalawa.