Derek galit sa aroganteng taga-Dasma

NI: RONA RONDA

Ipinagtanggol ng aktor na si Derek Ramsay ang mga sundalo’t kapulisan, Inilabas niya ang kanyang galit sa pamamagitan ng post niya sa kanyang Facebook account.

Hinggil ito sa insidenteng nangyari sa Dasmariñas Village sa Makati nitong April 26. Binatikos niya ang pagkaka-report ng isang online news site tungkol sa nangyari sa isang pulis at foreigner na nakatira sa nasabing village.

“Stop making it seem that our soldiers and policemen are always the bad guys,” sey ni Derek.

Dapat ay mangalap muna umano ng detalyadong impormasyon bago maglabas ng article. Dagdag pa niya, “Shouldnt you get all the details and facts first before posting an article about the situation?”

Nagbigay pa siya ng mensahe sa foreigner na nakaalitan ng mga pulis. Aniya, “Show respect to our soldiers and policemen!! Just because you are rich and live in an expensive residential area does not make you decent or better than everyone.”

Sey pa niya. “Kuya magbago ka na! Your arrogance doesnt help. These men and women are fighting hard for all of us so keep your mouth shut if you have nothing respectful to say.”