HINAHANGAAN ng mga taga-TV5 si De­rek Ramsay dahil napatunayan nila kung gaano ito ka-loyal.

Pagkatapos ng unang kontrata niya ay nag-renew pa ito ng panibagong kontrata for another three years sa TV5, kahit may mga tsikang may inaalok ang ibang TV networks.

Sabi ni Derek, wala silang natatanggap na konkretong offers mula sa ibang network. Puro tsika tsika lang.

Masaya raw siya sa TV5, at habang nakakontrata pa siya wala siyang ibang ini-entertain na ibang offers.

Ayaw raw niyang maging bastos na nakiki­pag-usap na siya ng alok ng ibang network.

Basta sa ngayon ay masaya raw siya sa mga ginagawa niyang programa sa TV5.

Ani Derek, “TV5 is my priority. Lahat na mga projects na binigay nila sa akin is because hindi lang ito ang naisip na si Derek na lang ang natitirang artista, sa kanya natin ibigay.

“It’s like, ‘alam natin na gusto ni Derek ang ganitong klaseng project, i-offer natin sa kanya.’

“And I still have the opportunity to decline, pero lahat ng offer nila, gusto ko, eh.”

Isa na rito ang bagong series na ididirek ni Brillante Mendoza, ang Amo.

Ang baguhang si Vince Rillon ang bida sa kuwento, at parang major support lang si Derek, pero tinanggap ng aktor dahil gustung-gusto niya ang role bilang pulis, at iba kapag naidirek ka ni direk Brillante.

Wala raw siyang maire­reklamo sa mga proyektong ibinibigay sa kanya ng TV5.

Bago matapos ang taong ito ay sisimulan daw niya ang isang mala-docu drama na programang nag­lalarawan ng kuwento ng mga kilalang atleta.

Gustung-gusto rin ito ni Derek.

“Kinu-conceptualize pa lang pero it’s something na makaka-inspire sa young athletes natin.

“Stories of…. ‘yung mga athletes natin, ‘yung hirap nila, not just sa sports but sa totoong buhay,” kuwento ng aktor.

***

Sabi ng presidente ng TV5 na si Mr. Chot Reyes, naka-focus na sa sports ang TV5 at karamihan ay panlalaki ang kanilang crowd.

Saad ni Mr. Reyes, “I think there’s no secret naman na ‘yun naman ang aming niche, di ba?

“We’re very strong in sports, so we’re really doing a lot of things to address that market. Sports, and I think the male market.

“Kasi, ‘yun talaga ang audience namin, eh. Kasi, hindi naman namin kaya ‘yung dalawang networks sa housewives eh.”

Kaya bagay sa kanila si Derek na siyang magdadala ng kanilang istasyon.

“Fit na fit kasi sa positioning namin eh as a network. So, I think it’s a perfect match and we are appreciative of his loyalty, the fact that he wants to stay, malaking bagay ‘yun sa amin eh,” pahayag ni Chot Reyes.

Sana, kayanin pa raw nila ang budget ang Derek para makapag-renew sa kanila kapag natapos na ang kontrata ng aktor.