INAASAHAN ni Derek Ramsay na sa Pasko ay makakasama niya ang kanyang anak na nag-aaral sa Dubai.
May communication sila, pero nu’ng 2015 pa sila huling nagkita at sana ngayong taon ay makakauwi dito sa Pilipinas para sila naman ang magsama.
“Maybe I’ll see him in December. He might spend Christmas with me. Last 2015, sa akin siya nag-Christmas, 2016 sa kanya, 2017 sa akin,” kuwento ni Derek sa presscon ng bagong serye niya sa TV5.
Okay na sila ng ina ng kanyang anak. Wala nang problema.
Iyun ang kasunduan nila na salitan lang kung saan mag-celebrate ng Pasko ang kanilang anak.
Ayaw nang magdagdag pa ni Derek ng kuwento tungkol sa ina ng kanyang anak para wala nang isyu kung sakali.
Inaayos na rin kasi ang annulment nila para maplano na rin ng kasalukuyan niyang girlfriend ang planong pagpapakasal.
“That’s definitely in the plans in the future,” sagot ng Kapatid aktor nang tinanong namin tungkol sa planong pagpapakasal nila ng non-showbiz girlfriend niyang si Joann Villablanca.
Pero hindi niya masasabi kung kailan dahil inaayos pa ang annulment.
“It’s all in process already. I’m just following up on things that needs to be done,” sagot niya tungkol sa annulment.
Wala siyang ibang naiisip pa kundi itong si Joann na ang gusto niyang makasama bilang asawa.
“My mind is set na ‘yun na, not looking other women. I’m not looking at anything else. My mind is set na she is the one,” seryosong pahayag ni Derek.