Derek pinagtanggol si Andrea

Mariin ang pagtanggi ni Derek Ramsay na third party ang dahilan kaya naghiwalay ang dekolor at puti nila ni Joanne Villablanca, ang kanyang kasintahan at co-habiting partner.

Siempre pa, itinanggi niya rin na ang babaing busog lusog ang suso, si Andrea Torres ang dahilan kung bakit natuldukan ang kanilang relasyon.

Sa isang panayam, may mga drama si Ramsay na hindi porke si Andrea ay leading lady niya sa paparating nilang dramang “The Better Woman”, hindi ito ang dapat sisihin, wala itong kasalanan sa paghihiwalay ni Bb. Villablanca at hindi makatwiran at makatarungan ang mga paratang na ito sa kanyang mabuting kaibigan.

Kakaloka rin si Ramsay, huh! Ang closeness at having a good friendship with Andrea, parang instant coffee, lomi at pancit canton ang development. Paspas! Kay bilis-bilis, Ito nga ang he said version sa kwentong ito?

Si Joanne naman, sa isang bulag na chikang kahit saang anggulo mo tingnan, hulang-hula naman na si Derek, Andrea at siya ang mga katauhang pilit na pilitang pagtatago pero nagsusumigaw pa rin, ang reaksyon rito ay: “To whoever sent this must be a friend, PLEASE CLAIM YOUR CASH PRIZE FROM ME. hahaha! I love you whoever you are. Thank you.”

Noong isang araw, ibinahagi rin ni Villablanca sa kanyang social media account ang tungkol sa “cheating.” Ang emote niyang iyan ay reaction niya sa blog post ng aktres na si Maricar Reyes na ang “cheating” sa isang relasyon ay maaaring magsimula sa “harmless” texting. Super sharing ni Joanne ang nasabing link.

Hindi ba, ibang klase ring magpayanig ang babaing minsan ay minahal ni Ramsay, huh.

Si Ramsay, agad-agad ang pagtanggi. Si Villablanca, is acting like a real lady in the end, posting this and that sa kanyang social media space at pinapaalam ang kanyang version of the truth.

Sa he said, she said na ito nina Derek at Joanne, kanino kayo mananalig? Sabi ni Ramsay, walang sala si Andrea. Para naman kay Villablanca, parang gusto niyang sabihin na si Andrea nga ang naging tinik sa kanyang dibdib.

Your move Bb. Torres, bago mahuli ang lahat. Ikaw rin, baka ma-check mate ka.

Tetay bet maging private citizen

Sangrekwa ang nangu-ngulit sa diva that you love kasi nga, hinihingi ang aking reaksyon tungkol sa pagkahaba-habang paglalahad ni Kris Aquino.

May FB post kasi ang Digital Empress kung saan in clinical detail niyang kinuda ang kanyang desire and need to become a “private citizen” at hinding-hindi na raw natin siya masyadong mababasa sa kanyang mga social media account. Kung sakaling may hanash siya rito sa pinakamalapit na hinaharap, tungkol na lang ito sa mga produktong kanyang ini-endorso.

Ang bottomline sa super extended aria, she needs to be healed at super miss na miss na niya ang kanyang former self kasi nga hindi madali ang mga phy-sical affliction niya.

Ang sa akin lang, kung ito na ang huling aria na mababasa natin mula kay Bb. Aquino, well and good naman niyan. If she wants to stay away from the limelight, be a private citizen, heal ang get the best doctors and medication that her money can buy, bonggang-bongga iyan.

Ang dasal ko lang, kayanin niya talagang wala siyang kuda, hanash o kahit na anong reaksyon sa mga nangyayari sa mundo, sa buhay ng mga anak niya at sa paligid-ligid ng linga.

Baka naman kasi si James Yap Jr., eh nasa edad na ripe for circumcision, tapos biglang “nangamatis” ang penis nito, ayan, may dahilan na naman siya para kumuda at nerbiyusin sa future ng junior ni Bimbs kasi swollen ang state.

Baka rin biglang madulas o magulat si Kuya Josh, boom! Ayan, may mahaba na naman siyang li-tanya na it pains her so much to see na si kuya ay nasusugatan at ang wish niya siya na lang ang masugatan kahit mahina na ang kanyang naturalesa sa pain because of whatever is her pinagdadaanan now.

Baka rin biglang mag-all out sale na naman ang isang aspirational brand, i-hoard na naman niya tapos, boom! May lamentation na naman siya na sobrang mahal ang tax.

Kaya nga hindi ako magtataka kung ang balana, dabarkads at madlang pipol, gagawing pustahan kung hanggang kailan kakayanin ni Krissy na wala talaga siya sa limelight at spotlight dahil ang pagpipigil at pagiging center of the universe eh hindi madaling alisin sa kanyang sistema.Kris Aquino is Kris Aquino, hindi ba naman?