Ni Roldan Castro

Nauwi sa hiwalayan ang anim na taong relasyon ng Kapuso actor na si Derek Ramsay at Joanne Villablanca.

Walang detalye ang split-up nila pero inamin ito ni Derek.

Kasal na lang ang kulang sa dalawa pero para raw sa ikabubuti nila ang nangyari. Ayaw nang sabihin ng aktor kung ano ang dahilan ng pagkakalabuan nila.

Huli naming namataan ang mag-live in partner nu’ng i-welcome ng GMA si Derek at nagkaroon ng presscon last April. Buong ningning din niyang sinabi noon na walang plano sa gagawin niyang marriage proposal. Ayaw niyang gaya-gaya lang sa iba.

Idiniin din niya sa panayam na ‘yun na si Joanne ang nakikita niyang makakasama hanggang pagtanda niya.

Nag-unfollow na rin sa Instagram sina Derek at Joanne.