Derek Ramsay negatibo sa COVID

Lubos ang pasasalamat ni Derek Ramsay na ligtas siya sa COVID-19.

Sa kanyang Facebook post, binahagi ng Kapuso actor na negatibo ang kanyang test sa new coronavirus.

“Thank you lord. My test results for covid-19 came out negative,” sey ni Derek.

Si Derek ay isa sa mga aktor na naging aktibo sa pagtulong sa mga frontliner sa COVID-19 pandemic. (RP)