Derek umalma sa pagmumura sa mga kasambahay

Ni Ronaline Avecilla

Pinulutan ang aktor na si Derek Ramsay sa comment section ng kanyang post sa Instagram matapos magkuwento ang isang netizen ng pagmumura umano nito sa kanyang mga kasambahay.

Nagsimulang tawaging “LAOS” ang aktor ng netizen na si @whatwomenwant000 at sinabing tanging GMA-7 lamang ang mapupuntahan nito.

Tanging tawa lang ang unang itinugon ng aktor subalit sa huli ay lumalabas na kilala niya ang netizen na gumigisa sa kaniya.

“see ya around the village dear,” komento ng aktor.

Hindi tumigil ang netizen at ikinuwento ang pagtrato nito sa kanyang mga kasambahay. “Sobrang mahal na nga niya yung sarili niya eh kaya walang maibibigay sa iba. People, don’t get deceived by his looks and pa good person effect. His neighbors can even hear him shout cursing people in his house,” paratang ng netizen.

Mariin naman ang pagtanggi ni Derek sa akusasyon ng netizen. Hindi pa kasi ito nakuntento at ipinost pa ang mismong address ng tahanan ng aktor. Dahil dito ay mas kumbinsido ang aktor na kilala niya ang nasa likod ng fake account.
“@whatwomenwant000 really?? Cursingbpeople in my house??? You have to be very careful of what you are saying,” babala ni Derek.

Hinamon niya ang netizen na magtungo mismo sa tahanan niya para magtanong nang personal sa kanyang mga kasambahay. “She can say whatever she wants about me being a womanizer but cursing my help in the house is going to far. I love my helpers like family,” paglilinaw ng aktor.

Nagpapaala naman si Derek sa kanyang mga fan at follower na huwag nang bumaba sa level ng basher at makipag-argumento pa.