Season of lipatan nga ba ngayong Kapaskuhan? Ayon sa mga daldalera, katkatera at hitad, may mga major, major star nga bang magiging Kapuso at taga-Kamuning station sa pinakamalapit na panahon.
Siyempre, kapag tinanong mo naman ang mga powers that be sa ka-Siyete daig pa nila ang mga bida sa toprating afternoon prime dramas nila sa maang-maangan at we are the last to know school of acting.
Umuugong na tsika na almost in the bag at shoo in na nga ba talaga ang pagiging Kapuso ni Derek Ramsay? May emote kasing ganito ang mamang makisig sa kanyang IG, “Tonight I make a big decision regarding my career. I’m both nervous and thrilled at the same time.”
Dahil sa post niyang ito, nag-one plus one equals Seven ang mga nagmamasid at may pananalig sila na you don’t need a symbologist para i-decode ang pahayag ni Derek. Ang tanong, makakatulong ba talaga sa Kapuso network ang presensya ni Ramsay?
Ikalugod kaya ni Solenn Heusaff, na dating kasintahan ni Derek ang balita? Ang kanyang movie partner na si Jennylyn Mercado, matuwa at mag-Monalisa smile kaya kung may katotohanan nga kaya ang napipintong paglipat?
Are the grasses more green sa Kamuning station kaya may tsikang si Xian Lim, nagpaparamdam na rin at maaring maging full pledged Kapuso na? After Miss Granny kung saan he gave life to a thankless role na any other male starlet can do, ligwak siya Ulan na dapat siya ang leading man ni Nadine Lustre.
Ang pagiging Kapuso ba ang much needed boost and push na sobrang needed ng kanyang aandap-andap na karera?
Eh gaano naman kaya katotoo ang sitsit na si Richard Yap, manalo o matalo man sa kanyang political career, go for gold na rin sa pagiging Kapuso? Hindi na ba masaya ang hottest 50-something star sa pagiging Kapamilya? Umay na umay na ba siya na palaging si Jodi Sta. Maria ang kanyang kapareha? Pakiwari niya mas pinapaboran ang mga 40-something na sina Ian Veneracion at Robin Padilla kaya bet na na niyang sumakabilang istasyon?
Kung sakaling totoo ang mga paglipat na ito, dapat ba nating antabayanan? O mas dapat na mamewang tayong lahat with matching pag-irap?
Reinvention and relevance, dalawang imporantang salita to remain afloat sa dog-eat-dog world that is showbizlandia, let us see kung how far will their estrella go para sa mga nginungusong lilipat. Mag-twinkle, twinkle nawa ang kanilang mga estrella.
***
Nadine ipinagtanggol ni James sa mga basher
Ang hanash ni James Reid sa Twitter na parang pagtatanggol sa kanyang kasintahan: “I love and support nadine.
Careless too. Don’t question that. Of course we don’t condone any hateful comments towards anyone. Honestly I don’t think it’s worth anyone’s time addressing them. Let’s focus on positivity. Careless won’t be working with anyone that insults my artists.”
Sangrekwa kasi ang nagtataas ang kilay, with matching pagdadabog ng bangs at panglalait ang ibinabato kay Lustre ngayong isa siya sa mga roster of artists ng Careless Music Manila, ang local record label na itinatag ni Reid at ng Viva Entertainment founder na si Vic del Rosario.
Nasa hulog naman ang pagtatanggol ni James sa kasintahan lalo na nga’t may pananalig siya sa kakayahan ni Lustre bilang mang-aawit. Ang tanong, career progression ba talaga para kay Reid ang maging music label at record producer? After Never Not Love You, wala ba siyang bagong pelikulang magpapakita muli sa lahat na he is still in the running sa acting department?
Buti pa si Nadine, may Ulan na totoo nga bang si Carlo Aquino na ang kapareha niya? At may isa pang pelikulang si Sam Concepcion ang kasama. Iba pa rin siempre ‘pag pelikula ang ginagawa.
Makakaasa ba tayo sa telebisyon eh mapapanood na rin natin sila sa Mother Ignacia station? May katotohanan rin nga kaya ang bulong na ang magsing-irog, hindi na nga ba maligaya sa pagiging Kapamilya at nagbabalak na daw mag-volt out at bumalik muli sa pagiging Kapuso?
Ang taray ng network sa Kamuning ha, ang daming sitsiritsit na gustong pumunta sa kanila, patotoo nga ba ito na they are the network where stars truly belong kasi nga sila talaga ang number one? Maski itanong niyo pa sa AGB Nielsen, huh!