Sa halip na full blast na ang paghahanda ng may humigit-kumulang 60 national sports associations (NSAs) para sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa parating na Nobyembre 30-Disyembre 11, nahahati pa ang kanilang atensiyon at oras sa gusot sa liderato ng mother organization nilang Philippine Olympic Committee (POC).

Tatlong linggo na ang tagal ng kaguluhan sa POC, na nagpawala pa lalo ng ningning at respeto rito, taliwas gaya noong dekada 80, 90, 2000 hanggang 2004 na pagkakakilala ng lahat sa organisasyon.

Dapat marami ng pumasok na mga corporate backer sa POC para makatulong sa pang-apat na pagbalikat ng bansa sa 2019 SEA Games sa Luzon.

Pero hanggang ngayon nga ay nganga pa rin ang POC. Dahil wasak na wasak na ang kredidilidad nito, maging sa International Olympic Committee at sa Olympic Council of Asia. At sa nakararaming Pinoy, lalo na sa mga nagmamahal sa sports.

Kaya lang dalangin natin na madala man sa POC ang mga kompanya riyan o mga negosyante na gusto pa ring makatulong sa 11-nation, 12-day multi-sportsfest, dereteso ninyo na lang ang tulong ninyo sa Philippine Sports Commission, para nasa mabuti pang mga kamay.

‘Di masising ang industriya ng negosyo na manlamig na sumuporta sa SEAG o sa ating mga atleta dahil sa kabalbalan lahat ng POC nasira sapul noong 2005 hanggang ngayon, pero huwag pong ganon. May isa pang matinong ahensya sa sports at yan ang PSC. Maari rin sa bawat NSA na lang o idirekta ninyo na lang mismo sa ating mga atleta o manlalaro na makikipagbakbakan laban sa 10 iba pang mga bansa.

***

Maligayang kaa-rawan po sa mga kasamahan namin dito sa Prage Management Corporation na nagdiwang na at mga magdiriwang pa ng kanilang mga kaarawan para sa buwan ng Hulyo. Sila ay sina Fergus Josue, Jr. (July 1), JR Cabrera (Jul. 6), Janeth Rañola (13), Elvira Calumpang-Altez (15), Randy Pregoner (19), Julius Fermia (22), Melissa Tenefrancia (25) at Danilo ‘Danny’ Hernando (25).

Mga Ka-TONITE, patuloy po ninyong suportahan ang aming Abante On Line show na Sportalakan, tuwing Martes, alas-6 ng gabi po.

At kung may mga katanungan po kayo tungkol sa sports, maaring mag-email lang po sa ramilcruz2003@gmail.com, ramilcruz2003@yahoo.com, o mag-Tweet sa @ramilcruz2003.

Hanggang sa susunod pong Martes. God bless us all!