KAHIT na nasa isang pagsubok ngayon dahil sa pagkakahuli sa kanyang panganay na si Mark Anthony Fernandez, tuloy pa rin daw ang buhay para sa aktres na si Alma Moreno.

Kaya naman pinuri siya ng Kapuso hunk na si Derrick Monasterio, ang co-star niya sa Tsuperhero, dahil hanga raw siya sa professionalism nito.

Kuwento ni Derrick, “We’ll actually hindi nga namin nafi-feel may pinagdadaanan siya parang focus siya sa work and hindi niya ino-open ‘yung topic na ‘yun. As in very professional pa rin.”

Aside from Derrick, todo rin ang suporta ng buong cast kay Alma Moreno. Ayon kay Derrick, ginagawa raw nilang happy ang mood sa set para mapagaan daw ang loob nito.

Rhian, sumuporta sa play ni Michael

Hindi pinalampas ni Rhian Ramos na panoorin ang Manila run ng musical play na Annie bilang suporta sa kanyang Sinungaling Mong Puso co-star na si Michael de Mesa kung saan kasalukuyan siyang gumaganap bilang Daddy Warbucks sa musical.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Rhian na: “Had the chance to watch #ANNIE lastnight at @resortsworldmanila in support of Cydel my little sis in #PrimelineManagement and my #Sinunga­lingMongPuso co-star, THE MDM =) it was such an entertaining, impressive, and well produced, directed, & acted musical! Thank you Ms. Christine for the wonderful evening! ANNIE will be running every weekend until December 4 =) dont miss this play”

Senator Chiz, nagmano sa tatay ni Heart 

Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista
Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista

Hanga kami sa kabutihang-asal ng husband ni Kapuso actress Heart Evangelista na si Sen. Chiz Escudero.

Napatunayan namin ito lalo nang nagsama-sama muli ang pamilya ni Heart sa kasal ng kaniyang kapatid na si Camille Ongpauco.

Habang naroon ay may nangyaring hindi inaasahan si Heart: nagmano ang kaniyang asawang si Chiz sa kaniyang ama bilang respeto rito. Congrats, Heart because you’ve got a prince with you forever.

T.O.P., nagpasaya ng mga kabataang maysakit

Hindi lang daw pagkanta ang paraan ng all-male group ng GMA na T.O.P. (Top One Project) para magpasaya.

Recently kasi, para i-celebrate ang kanilang first year anniversary, nagpunta sila sa Philippine Orthopedic Children’s Hospital para haranahin ang mga pa­syente nito.

Kasama nila ang StarStruck graduate na si Carl Cervantes as their host.

“#TOP @toponeproject and #CarlCervantes @ginoongcervantes brought so many smiles to the patients of Childrens Orthopedic hospital #ArtistCenter #GmaArtistCenter” ani sa isang Instagram post.

Sanya Lopez at Mikee Quintos, nagkukulitan habang on-break

Iba ang bond na nabuo sa pagitan nina Sanya Lopez at Mikee Quintos sa set ng GMA telefantasyang Encantadia. Kapag kasi hindi nila kasama ang mga Mulawin papuntang Li­reo o ‘di kaya’y nakiki­pag-inuman kay Vish’ka, mahilig mag-kulitan sina Danaya at Lira na kapwa ginagampanan ng dalawang aktres.

Sa isang video nga na ini-upload ni Mikee, makikita ang dalawa na nagli-lip sync sa kantang I Love You Always Forever ni Donna Lewis. As of writing, nakalikom na ito ng almost 19,000 Instagram views.