BET naming katsikahan si Derrick Monasterio dahil bukod sa wala siyang keber sumagot sa mga tanong ay keri niyang sakyan pati ‘yung naughty questions namin.
Parang wala siyang anumang hang-ups sa katawan, kaya diretsuhan ang mga hirit niya at hindi siya nang-eeklay.
Sa tanong na baka masapawan siya nina Aljur Abrenica, Rocco Nacino at Jake Vargas sa concert nilang Oh, Boy! sa Music Museum, ang confident na sagot ng 21-anyos na Kapuso hunk ay hindi siya masasapawan ng tatlo dahil alam niyang talented siya.
Meron siyang portion na sasayaw siya nang sexy at baka kumuha siya sa audience ng haharutin niya sa stage.
Basta, game siya sa gabing ‘yon sa September 23.
Okey, diretsuhang tanong.
Sino ang PINAKA-DELICIOUS sa kanilang apat?
“Ako po.”
PINAKA-FRESH?
“Ako pa rin po.”

PINAKA-TALENTED?
“Ako rin po.”
PINAKAMAGALING UMARTE?
“Siguro, si Rocco.”
PINAKAWAPAK ANG ABS?
“Ako pa rin.”
PINAKAMAHILIG SA POKEMON?
“Mahilig din po ako du’n, pero hindi sobrang mahilig na mahilig na mahilig. Ha! Ha! Ha!”
POKEMON GO ang pinag-uusapan, ha?
“Opo, Pokemon Go. Level 20 na nga ako, eh!
So, MAHILIG pala siya?!
“Sige po, mahilig ako. Mahilig.”
PINAKA-DAKS?
“Ako pa rin! Ha! Ha! Ha!”
Talaga ba? Parang si Aljur yata ang PINAKADAKILA sa kanilang apat. Baka second lang siya?
“Hindi po, ako ‘yung first!”
PINAKAWALANG KARANASAN SA SEX?
“Feeling ko, ako. Kasi, ako ang pinakabata, eh!”
PINAKA-YUMMY SA MGA BADING?
“Ay, ako! Sure ako du’n!” sabay tawa ni Derrick, na palaki nang palaki ang katawan dahil batak ito sa gym.
Magkakaalaman sa September 23 sa Music Museum kung si Derrick nga ang pinakapaglalawayan at pagnanasaan ng mga manonood ng Oh, Boy! concert.