ANG tunay na nagpapa­katotoo, ang love pairing nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio na bida sa ‘Almost A Love Story’, ang romantic drama movie ni Direk Louie Ignacio na sa pagkakaganda-gandang Southern Italy city of Salento lang naman kinunan ang mga bonggang-bonggang eksena.

Chika nga ni Direk Louie­, “Wala kaming problema sa shoot, mabilis naming natatapos ang mga dapat tapusin. Masaya ako na pawang mahuhusay ang mga artistang kasali sa movie. Ako ay nanalig sa husay, galing at ganda ni Barbie Forteza. Siya talaga ay hindi lang star, kundi isang aktres. Si Derrick ay talagang ready and ripe na sa pagiging leading man.”

Dagdag pang kuwento ni Direk Louie, “Si Derrick, sobrang trouper. ‘Yung eksena sa beach, sobrang ginaw nu’n, game siya mag­hubad. At wala siyang suot na underwear nu’n, pantalon lang talaga tapos hubo na siya sa loob. May brand name kasi ‘yung undergarment na suot niya kaya hindi pwede. Wala naman siyang alinlangan, hubo naman agad, nu’ng underwear lang of course. Hahahaha!”

Dahil sa malamig ang panahon, may shrinkage kayang naganap sa phallus ng binata na marami ang naniniwala na ‘gifted’, huh.

Ang bagong natulaksan­ naman ni Forteza sa lea­din­g man niya ay, “Sobrang maalaga siya. At talagang pinag-iinit niya ako! Hahahahaha! Kasi nga sobrang lamig, minsan ‘yung mga thermal clothing hindi kaya­ ang lamig kaya ‘yung mga hugs at embraces niya, ‘yung body heat niya, willingly­ niyang binibigay sa akin. And I….thank you!”

Harot much si Barbie, huh! “Mabait talaga si Derrick. We have become really good friends kasi nga ang dami naming work together. Ang hindi ko lang nagustuhan sa kanya, na ngayon ko lang nalaman, medyo makalat siya. ‘Yung mga damit niya, kung saan-saan mo lang makikita. Hahahaha!”

Not once, but twice siyang niligawan ni Monas­terio. Ipinagluto pa nga siya sa bahay nila with her parents pero sadyang hindi yata sila itinakda na ma­ging magsing-irog.
Well, ang bongga na lang, there music will never end dahil nga magkaibigan na sila at palagi pa ring magkatambal.

Suportahan natin ang pe­likula dahil itong sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio ay karapat-dapat maging major, major box office draws sa April 11 lalo na nga’t kapwa panalo pagdating sa acting department.

Akihiro na-in love kay Martin

SA National Breakfast Day payanig, ang best moment para sa diva that you love, ang pagpapalabas sa commercial ni Atom Araullo kung saan ipinakita ang mga matatapang at magi­giting na mga ina at maybahay na nagkukuwento tungkol sa kaganapan sa Marawi at kung paano nila napagtagumpayan ang pinakamalaking pagsubok sa kanilang mga buhay.

Sobrang may haplos sa puso at may tama sa emosyon ang commercial. Hindi pa tapos ang laban sa kanilang buhay, kaya pa­tuloy lang ang laban, na mas may pag-asa kasi nga, may mga bagong buhay na ang dasal nila, ay lumaki sa pagkakataong kapayapaan, kabutihan at kasaganahan na ang kalalakhan ng mga sanggol.

Panalo rin ang ‘family­’ feels and love na damang-dama sa salo-salo sa uma­ga­.

May mga world class singer, sina Joana Ampil, na lilipad na muli pa-China para sa Cats musical kung saan siya si Grizabella, si Joaquin Valdes na lilipad para makasama sa touring production ng Ms. Saigon sa London. Si Arman Ferrer ay may bagong musikal. Si Myk Solomon ang maglilikha ng mga kanta para sa Eraserheads musical at magbabalik muli ang Rak of Aegis, may 60 shows na sila.

Si Reuben Laurente ay maglulunsad ng mga bagong cover song at si Ms. Mitch Valdez, ang Bette Midler ng Pilipinas eh kapitana sa Ang Probinsiyano.

Kilig moment para sa diva that you love na binanggit ni Reuben ang aking pangalan bago siya kumanta.

Panalong-panalo rin ang Sun and Moon duet nina Ampil at Ferrer. Walang rehearsal, salang agad, pero ang galing-galing nila.

Present din ang mahuhusay na artistang sina Iza Calzado, na ang ang ganda-ganda na, lagi pang matalino at totoong kausap. Ang karakter na si Adrienne Vergara. Ang de-kalibreng character na si Ruby Ruiz. Ang magkatotong sina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman. Ang tatay na naman na si Marco Alcaraz.

Si Akihiro Blanco na major cutie pie alert at leading man ni Martin del Rosario sa Born Beautiful.

Inamin ni Blanco sa diva that you love na gandang-ganda siya kay Martin ‘pag Barbs na ito. Hindi na nga siya nagtaka kung bakit ang katauhan niya sa drama eh na-auto in love kay Barbs. So, kung magiging babae talaga si Martin, parang pwedeng magustuhan at mahalin ni Akihiro? Ang taray!

At ang dahilan kung bakit may kilig moment number 2 ako, si Richard Quan na bago ibinalita ang mga nagaganap sa kanyang karera, nag-“Hi, Alwin” muna. At sinambit niya ang pagbati sa microphone, huh. Nakaka-babae lang. Hahahaha!

Aubrey at Troy humingi ng ex-deal sa pinaghubarang lugar

ANG mag-asawang Aubrey Miles at Troy Montero, go for the gold ang pagbubu­yangyang, huh!

The WHO times two sina Aubrey at Troy? ‘Yun na. ‘Wag na nila tayong charotin na ginawa nila ito para ipakita sa ating lahat na fit and sexy pa rin sila after all these years. Alam na alam naman na isa itong payanig.

Ang nakaka-tumbling sa payanig na ito, gaano nga kaya katotoo ang sit­sit na ang mag-asawang umaawra bilang Adan at Eba. Sinubukang humingi ng ex-deal sa The Farm kung saan naganap ang kanilang buyangyang episode?

How true na hindi ito pumayag at dahil naawa sa dalawa, in-upgrade na lang daw ang kanilang cabanas at pati ang mga taga-The Farm nagulat sa mga pinost nila sa kanilang mga personal IG accounts?

Matatanda na sina Miles at Montero kaya huwag na nating basagin pa ang kanilang trip at kung ano pa ang mga kacharatang paliwanag ang ihahanash nila, ha­yaan na natin.

Dahil nagbuyangyang na kayo, itodo na. In full display na dapat ang penis at testicles ni Montero, dapat hindi malayo ang kuha. Para magkaalaman kung chocolate brown ba ang mga kulay nito, may shrinkage ba kasi babad sa tubig o sadyang tisoy, mamula-mula at well hung.

At ang vagina ni Miles magkaalaman na rin kung matambok, mabuhok at may hindi sinasadyang may bumebelat.

Tama na ang mga pagtatakip ng kamay at ang pa-artistic poses kuning-kuning.

Ngayon pa ba kayo mahihiya? Eh ginawa niyo naman iyan para mapag-usapan. Na nangyari nga, here, there and everywhere ang mga hanash at kuda.

Ang tanong, sino pa ka­yang mga La Ocean Deep starlet ang may ganitong pang paandar? At ang mas bongga, sino sa mga pre­sent at sikat na couplings ang magkakaganitong pa­yanig?
Sa mga susunod na gi­gimik, please huwag niyo na ipagdamot ang inyong mga ari-arian!