BIDANG-BIDA ang dating ni Derrick Monasterio sa teaser ng Mulawin vs. Ravena na tampok silang tatlo nina Dennis Trillo at Miguel Tanfelix na magsasagupaan sa himpapawid.

Ayaw i-claim ni Derrick na bida siya rito, pero sinabi sa kanya na significant ang role ng karakter niyang si Almiro na tinaguriang Bagong Sugo.

Bilang anak nina Aguiluz at Alwina, siya raw ang itinakdang maging hari. Pero lahat daw sila ay importante ang role sa MvR.

Sey ng 21-anyos na Kapuso hunk dati ay kinakanta lang niya ang theme song ng Mulawin sa mga singing contest.

Ngayon ay gaganap na siya bilang isa sa mga bida sa sequel nito, kaya ibang klase ‘yung feeling.

Nanibago si Derrick sa unang flying scene niya dahil hindi siya nagha-harness, ngayon pa lang at naka-costume pa.

Sa Tsuperhero kasi ay pop in, pop out lang siya na dinadaan sa editing. Ito ay may lipad-liparan.

Masakit daw ang harness, sabi ni Derrick.

“Tumatama kasi, eh. Hindi ko kasi siya madaya. Kasi, nandu’n talaga, eh!” may pagkapilyong hirit ni Derrick.

Ha? Eh, nasa singit naman ‘yung harness, ‘di ba?

“Alas-tres! Joke lang!! Ha! Ha! Ha!” pilyong hirit niya, na ang ibig sabihin ay naka-3 o’clock position ang BIRD niya.

So, naiipit ang BIRDIE niya ng harness?

“Minsan. Kasi, hindi ako nagsa-cycling (shorts). Briefs lang. Nakakalimutan ko kasing magdala.”

Kung naging bird siya, ano siya?

“Ano ako, vulture. Kasi, malaking ibon siya, eh. At saka bulky.”

Talbog siya sa sagot sa amin ni Miguel Tanfelix (na muling gumaganap bilang Pagaspas).

BIG BIRD ang sagot ng 18-anyos na bagets.

“Big Bird daw siya?!” tanong ni Derrick, tapos ay natawa ito na tila may ibig sabihin.

Ganern? Minamaliit niya ba si Miguel?!

“Wala akong sinabi, ah? Ha! Ha! Ha!”