SA mga maricon, walang duda na malakas ang impact ni Derrick Monasterio. Kaya marami ang gustong gurlisan si Bea Binene.
Obvious na kiyeme latik ang mga chika. Kapani-paniwala ba na ang isang binatang makisig at maganda ang tindig, si Binene ang dahilan kaya tumitibuk-tibok at tumitigas-tigas ang muscles nito at the right places?
Juice colored, Derrick!
Sa tikas at tindig mong ‘yan, dapat si Liza Soberano o si Julia Barretto ang maging ka-close mo.
Takang-taka talaga ako sa taglay na pambihira nitong si Binene. May batubalani ba siya?
Sa members ng Rosas Pandan Community, parang walang chance na maakit ninyo si Monasterio.
Chika nito sa Mulawin vs Ravena payanig, “Wala pa naman akong natatanggap na kahit na anong indecent proposal. Kung merong maglalakas ng loob, tatanggihan ko kaagad.”
Eh sa mga nagbibigay ng mga regalo kahit walang okasyon at hindi niya hinihingi, “Pag may nag-aalok o nagbibigay ng gift, tama naman po ang pagpapalaki sa akin, tinatanggap ko, nagpapasalamat.
“Saka mararamdaman mo naman kung there is more to it, di ba? Tapat naman ako lagi.
“Sasabihin ko sa kanya o sa kung sino man na tanggapin ko ang gift pero walang kapalit.
“Pag honest ka naman, at alam nilang your heart is in the right place, sila na mismo ang humihinto. Hindi na sila muling nagpapakita o nagte-text.”
Pilyo at maharot kasi si Derrick sa mga diwata at sirena kaya ‘yung iba, dahil likas siyang malambing, mapaglaro ang pag-iisip at fueled by pagnanasa, alay kete alay sa binata.
Literal na ginawa itong santo at sinasamba.
Well, hotness naman talaga si Monasterio. Marami ang darang na darang pag meron itong mga hubad baro pictorial.
Sa mga may armpit hair fetish, para sa kanila, yum yum yum ang kili-kili nitong maputi at mabuhok.
Sana lang, ngayong all the attention ay tila nasa kanya, he also brushes up on his acting skills para mas bonggang-bongga na siya.