Game talaga ang Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio.

Bilang isang lalake, normal lang daw para sa kanya ang tipikal na nararanasan ng sinumang anak ni Adan na tumitikim ng luto ng Diyos.
Hindi rin niya ikinaila na may karanasan na rin siya sa pakikipagtalik sa mga babae.

Dahil loveless siya, minsan, dinadaan daw niya ang pagpapaligaya sa sarili sa tulong ni Mariang Palad.

Bugso ng kapusukan ng kabataan, siya raw iyong tipong adventurous, pagdating sa sex.

Katunayan, inamin niya na ang wildest na ginawa niya ay ang makipag-sex habang nagmamaneho ng kotse at ito raw iyong time na naabutan siya ng katakot-takot na trapik.

Kung meron man daw siyang pantasya, gusto raw niyang makipag-sex sa pantasya niyang babae sa helicopter o kaya ay sa eroplano.

May ka-weirduhan man, type rin daw makipag-sex sa public place o lugar na maraming tao habang pinapanood sila ng kanyang ka-partner.

Hirit pa niya, kahit may kapusukan, maingat daw naman siya na makabuntis dahil lagi siyang nagbabaon ng condom.