Si CJ Perez ang headline ng 2018 PBA Draft kahapon sa Ro­binsons Place-Manila, kabuntot sina Ray-Ray Parks na No. 2 ng Blackwater at si Robert Bolick sa third na napunta sa NorthPort.

Hindi pinakawalan ng ­Columbian Dyip ang do-it-all forward ng Lyceum na si Perez, ang NCAA Season 93 MVP.

Umaasa si Columbian coach Johnedel Cardel na mapapabilis ang angat ng team sa pagdating ni Perez. Tinapos ng Dyip ang 2017-18 season sa 6-27 overall record.
“We know he would bring so much energy with the team,” ani Cardel. “He’s a proven winner and is also a team player kaya tingin namin mas mapapadali ang pag-improve namin with him.”

Hindi na rin makapaghintay si Perez na ibigay ang tulong sa bagong team.

“Sobrang excited, at the same time eh eager na maganda ang ipakita ko sa Columbian,” anang 6-foot-1 forward.

Ang 25-anyos na si Perez ang sinandalan ng Pirates para pumalaot sa dalawang huling finals ng NCAA, at sa kampeonato ng Zark’s Burger sa PBA D-League. (Vladi Eduarte