Anuman ang maging desisyon, pabor o negati­bo, sa ihihirit na apela sa kaso ng Pinay death row convict na si Mary Jane Veloso ay irerespeto ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng gagawin nitong pagbisita sa Indonesia.

“Well, I may just have to ask (Indonesian Presi­dent Joko) Widodo in a most respectful and in very, very courteous way… and if my pleadings will fall on deaf ears, I am ready to accept it — for the simple reason I do not doubt the judicial system of Indonesia,” sabi ni Pangulong Digong bago ito bumiyahe kaha­pon ng hapon patu­ngong Laos para sa ASEAN leaders summit.

Nakahanda umano si Pangulong Digong na humingi ng awa sa Pre­sidente ng Indonesia para matamo ang kapatawaran kay Mary Jane na sina­sabing biktima ng international drug syndicate.

“I have been there once upon a time, and I was able to observe how it works. Whether or not she is really guilty, she’s bound to a culpable liability. So, I might just accept the system and plead for mercy. But if President Widodo will deny it, still I would be grateful that she has been treated very well. For after all, we have our laws to follow and had it been any other… or the other way around, I might also be at the receiving end of so many pleas for mercy — and I would ne­ver know what or how to react,” anang Pangulong Digong.

4 Responses

  1. GANYAN KATIGAS AT PASAWAY ANG MGA PILIPINO…ALAM NA KAMATAYAN ANG MAGPASOK NG DROGA SA IBANG BANSA PIPILITIN PA DIN…KAPAG NAKALUSOT NGA NAMAN SIYA LANG ANG GIGINHAWA…PERO KAPAG NAHULI GOBYERNO SISISIHIN AT KAMING TAONG BAYAN ANG MAGBABAYAD NG PANGANGAILANGAN NYA AT PAMILYA NYA…..NGAYON AASA KA SA PRESIDENT…….. PAREHAS KA NG 2 GAGO!!!! HAHAHA