Determined

Usapang Ofw ni Chingbee

Okay, so ano ba la­test sa partial lifting ng OFW deployment ban sa Qatar kung saan ay may 245,806 OFWs sa kasalukuyan?

Well, from what we gathered, nagdesisyon ang POEA crisis committee na payagang makalipad at makapagtrabaho sa Qatar iyong new-hire OFWs na naisyuhan na ng overseas employment contract (OEC).

As holders ng OEC, nangangahulugan na may aprubado nang kontrata ang mga new hires at sila ay papayagang makapunta ng Qatar.

Hindi rin magkakaroon ng problema pa­punta ng Qatar iyong may existing jobs na doon at nagbakasyon lang sa Pilipinas.

Diplomatic row

As most people know by now, ilang kapwa-Middle Eastern countries tulad ng Saudi Arabia at United Arab Emi­rates (UAE) ang nag-rescind ng diplomatic relations nila sa Qatar.

Ang idinahilan sa virtual boycott ng Qatar ay ang umano’y pagsuporta nito sa extremism o terrorism na malaking problema ngayon sa buong mundo.

Mariin namang itinanggi ng Qatar ang akusasyon kasabay nang paglalabas ng report ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) na pabor sa Qatar.

Fake news

Kinumpirma ng FBI na planted ang fake news na lumabas sa national­ news service ng Qatar­ kung saan misquoted daw ang lider ng nasabing bansa sa mga pahayag nitong pabor sa Iran at Israel.

So balik tayo sa ating original topic — ang partial lifting ng deployment ng OFWs sa Qatar.
Nangangahulugan ba ito na cancelled na ang job orders ng OFWs sa Qatar?

Ang sagot ay ‘hindi.’ Tuluy-tuloy lang ang processing ng POEA ng papers ng mga dapat ay magtatrabaho sa Qatar.

Ang ibig sabihin nito ay matutuloy din ang biyahe at work nila sa Qatar oras na totally ma-lift ang partial deployment suspension.

Ang pulso naman ng mga OFW sa Qatar ay tuluy-tuloy lang sila na magtatrabaho lalo pa’t hindi naman nagtuluy-tuloy ang panic buying na nangyari sa pagsisi­ula ng krisis.

Well, what do you expect? Ang Pinoy pa! Eh kahit nga sa may giyera hindi nagpapatinag ang OFWs, sa Qatar pa na hindi naman war zone. Astig kaya ang OFWs.

Come follow me on Twitter @beeslist or call 551-5163 or email usapang_ofw@yahoo.com