Itinuturing ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na malaking kahihiyan sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang naganap na maanomalyang pagbibigay ng pasaporte sa mahigit 177 Indonesians na nagkunwang mga Filipino para makasama sa Hajj Pilgrimage sa Saudi Arabia.

Sinabi ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Epicopal Commission on Migrant and Itinerant People na kahiya-hiya ang nasabing transaksyon na nakalulusot mula sa awtoridad ang mga Philippine passports sa mga dayuhan.

Kaugnay nito, hiniling ng nasabing obispo sa DFA na agarang aksyunan ang nangyaring anomalya at parusahan ang mga nasa likod nito.

“Iyan ay isang malaking kahihiyan sa atin at ma­laking kahihiyan din sa DFA. Malaking suliranin sapagkat dala-dala nila ang ating pangalan at du’n sa ating pangalan ay nagdudulot sa atin ng kahihiyan at hindi lang kahihiyan kundi magdudulot rin sa atin ng kapinsalaan. At itong nasa pamahalaan lalo na sa DFA kanilang hanapin, bakit nangyari? Ano ang nangyari? Sino ang dapat managot? At bigyan ng kaparusahan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.

7 Responses

  1. NATUTUPAD LANG YUNG SABI NI CRISTO..MGA NAKA DAMIT TUPA..PERO SA LOOB MGA LOBONG MANINILA…PAKIALAMAN NINYO ANG SARILI NINYONG BAKURAN..ANG DAMING KRIMINAL DAHIL SA MALI NINYONG PAGPAPAYO..PURO KASE KAYO KABIG..PAGPAPAYAMAN..GUMISING KAYO MGA KAPATID..SAAN BA NAPUPUNTA ANG MGA ABULOY NG BAWAT SIMBAHAN..NAKAKAHIYA KAYO MGA PARI

  2. KAHIYA HIYA PALA ANG DFA…BAKIT KASE KAYONG MGA PARI NAKIKI ALAM SA GOBYERNO..E SANA ANG PAKIALAMAN NINYO E YANG SIMBAHAN YUNG MGA MORALIDAD NG MGA TAO..TUMULONG KAYO SA PAG PAPAYO PARA MABAWASAN ANG KRIMINAL..PANAY LANG KASE ANG KURAKOT NYO SA SIMBAHAN..SAAN BA NAPUPUNTA ANG MGA ABULOY NG MGA TAO…KUNG TITIGNAN NATIN KAYO YUNG MGA LOBO AT MGA SUROT NA SUMISIPSIP NG PAGHIHIRAP NG MGA TAO..WALA NAMAN KAYONG MATINONG NAIPAPAYO SA MGA TAO..KAYA LAGANAP ANG KRIMINALIDAD SA BANSA.

  3. mas nakakahiya ang mga kaparian ng Katoliko sa pakikialam sa Gov,, talamak ang korupsion sa Loob RCC ,, una na sa Int’l tribunal sa mga maanomalyang kaso ng mga phedopiliang mga pari..

  4. Still money talks in PH. But if these undesirable corrupt Filipino people will not stop to their habits, then the bullet of DU30 will talk. So don’t throw back the blame of your game.