DFA kumilos sa kidnapping ng 13 Pinoy sa Cameroon

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Fo­reign Affairs (DFA) sa mga kaanak ng 13 Pinoy seaman na kasama sa dinukot ng mga pirata sa karagatan ng Cameroon noong nakaraang Huwebes.

Inatasan na ang Phi­lippine Embassy sa Abuja, Nigeria na maglatag ng representation sa Came­roon upang tiyakin ang kaligtasan ng mga Pinoy.

Hindi muna pina­ngangalan ang 13 Pinoy gayunpaman, sinisikap na ng DFA na magkipag-ugnayan sa kanilang mga kaanak.

Nangyari ang kidnapping noong Huwebes ng nakaraang linggo sa isang bahagi ng karagatang sa Cameroon na itinuturing na “sea crime area”.

Ang Cameroon ay matatagpuan sa Central Africa.

(Armida Rico)