DFA: Mga OFW sa Libya sanay na sa giyera

Tuloy ang takbo ng buhay ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa Libya kahit itinaas na sa alert level 3 o voluntary repatriation ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa nasabing bansa dahil sa giyerang nagaganap doon.

Ayon kay Charge d’Affaires Elmer Cato, normal pa rin ang pamumuhay ng marami sa ating kababayan sa kapitolyo ng Libya sa Tripoli.Karamihan anya sa mga Pinoy sa Tripoli ay matagal na panahon nang naninirahan doon at marami na rin ang nasaksihang karahasan.Gayunman, sinabi ni Cato na patuloy ang apela ng Philippine Embassy sa Tripoli sa mga Pinoy doon na seryosong ikunsidera ang alok na pagpapa-uwi sa kanila ng gobyerno habang kakayanin pang gawin ito.“They tell us they are used to it and just like in previous fighting in the capital, the latest round will soon be over and it will be business as usual,” sabi ni Cato.Sa kabila nito ay ayaw umanong sumugal ng gobyerno dahil kailangan aniyang mailayo sa pa­nganib ang kababayan natin sa Libya.Sa kasalukuyan ay nakatanggap na rin umano sila ng abiso mula sa 19 na Pinoy na nais umuwi sa Pilipinas samantalang nasa 49 na iba pa ang inilikas naman ng kanilang mga employer sa mas ligtas na lugar. (PNA)