Nakahanda pa rin ang contingency plan para sa kaligtasan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na maaring maapektuhan sa nagaganap na tensyon sa Turkey.

Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos na magpahayag ang military faction sa Turkey na determinado silang ituloy ang laban para ibagsak ang gobyerno ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan sa kabila nang pagdedeklara nito natapos na ang tangkang pagpapabagsak sa kanyang gobyerno.

Ayon kay DFA Assistant Secretary at spokesman Charles Jose, may close monitoring sila sa 3,500 Pinoy sa Turkey at pinayuhan ang mga kamag-anak ng mga ito na huwag mabahala dahil patuloy ang kanilang pag-aabang sa sitwasyon ng mga OFWs sa naturang bansa.

Nabatid pa na nanawagan na rin ang Philippine Embassy sa Ankara, ang kapitolyo ng Turkey, na huwag munang lumabas sa kanilang mga tirahan.