Sir/Madame,
Greetings of peace.
Respectfully forwarding request for assistance in behalf of OFW Maria Theresa (last name withheld) who, as per her friend’s short messages below, was raped allegedly by her employer. A voice message of the OFW was also sent to the undersigned crying as she pleads for assistance.
We may ask your intervention by calling the attention of her PRA and FRA to take custody of her and repatriate soonest. Thank you.
Sincerely,
(Sgd) John Monterona, U-OFW
***
Narito ang buod ng e-mail sa U-OFW.
Nagpapasaklolo ang isang OFW na tatawagin natin sa pangalang Maria Theresa, isang DH sa Riyadh na diumano’y ni-rape ng kanyang employer noong Oktubre 11.
Ang impormasyon ay ipinabatid ni Maria Theresa sa isang tinawagang kaibigan sa Saudi, na siya namang nakipag-ugnayan sa U-OFW.
Sa sumbong ng DH, isa umanong pulis ang kanyang amo.
Ang mahirap sa sitwasyon ni Maria Theresa ay hindi na ito makontak sa kanyang cellphone.
Landline ang gamit ng OFW na nairehistro sa numerong 0589719541 at 0555282372, na number diumano ng kanyang among babae, sa pagtawag sa hinihingan ng tulong na kaibigan.
Tinawagan na rin ng kaibigan ni Maria Theresa ang mga kaanak ng DH upang ipaalam ang sitwasyon. Tulungan po natin bro na ma-rescue siya.
***
Panawagan sa POLO-Owwa Riyadh, OWWA RAD at POEA REPATRIATION UNIT na bigyang prayoridad ang hinaing na ito ng OFW na si Maria Theresa.
Baka malagay pa ito sa mas matinding problema kung hindi bibigyan ng importansya ang kanyang kahilingan. Ang kumpletong pangalan ni Ma. Theresa ay aming ipagbibigay-alam ng BayaniKa sa nasabing mga tanggapan ng pamahalaan upang mas mapabilis ang pag-rescue rito.
Nauna na ring ipinaalam ng U-OFW ang kaso sa POLO-Owwa Riyadh, OWWA RAD at POEA REPATRIATION UNIT pero nananatiling walang katugunan.