DH sa Saudi inaabuso

balik-bayan-box-ofw-2 bayani ka

Sir/Madame,

Respectfully forwarding request for assistance and repatriation from OFW Ms. Artemio. Pls. find additional information below sent by the OFW.

We will highly appreciate your prompt action.

Sincerely,
(Sgd) John Leonard Monterona
U-OFW

***

Sir,

Please tulungan n’yo po ako na makauwi na sa Pilipinas kasi ilang beses na akong nasaktan dito ng alaga ko na sira ulo at hindi makalakad.

Tatlong buwan na rin hindi nila ako sinahuran at wala po akong iqama gayong isang taon at isang buwan na ako dito.

Wala ring rest day. Ginawa nila akong panday, mason at tubero. Please po tulungan n’yo po ako, gusto ko na po umuwi sa pamilya ko.

Salamat po.
Jocelyn Mangitngit Artemio

***

Ang hinaing na ito ni Jocelyn ay naiparating na ng U-OFW sa GOLD ICON RECRUITMENT & PROMOTION, INC. na ahensyang nagpaalis sa OFW sa Pilipinas na ang counterpart sa Saudi ay AFAAQ AL-DIQA RECRUITMENT AGENCY DAMMAM-ADAMA.

Pinadala rin ng U-OFW sa POLO-OWWA RIYADH/AL KHOBAR OWWA RAD, POEA REPATRIATION UNIT at OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR ang problema ni Gng. Artemio pero wala pa ring aksyon ang nasabing mga tanggapan ng gobyerno.

Kaya nagpasaklolo ang U-OFW sa BayaniKa para sa pagnanais na mapabilis ang pagtugon sa karaingan ni Mrs. Artemio.

Anumang aksyon ng mga nabanggit na ahensya ng gobyerno ay aming agad na ilalathala at ipaaalam sa U-OFW.