Sir / Madame,
Respectfully forwarding request for assistance and repatriation from OFW Ms. Namoca. Please find additional information below. We will highly appreciate your prompt action.
Sincerely,
(Sgd) John Leonard Monterona
U-OFW
***
Madam,
Isang buwan ko na dito pero hindi buo sahod ko. Kakalahati lang ang pinabigay na sahod ko dalawang buwan na ngayon. Umalis amo ko punta sila Dubai kaya dito ako ngayon sa pamangkin nila. Hindi ko akalain na ganito ang mangyari sa akin dito. Wala sa kontrata na maglinis ako din sa bahay ng magulang ng pamangkin ng amo ko.
Ngayon limang araw na hindi ako kumakain. Ngayon pumunta kami bahay ng magulang ng amo ko. Siguro dahil sa hindi ako kumain nahimatay ako. Tinawagan nila amo ko na sinabi daw nila na nahimatay daw ako.
Sagot daw ng amo kung babae nagkukunwari daw ako kasi malapit na daw sahod ko. Problema ko daw mga anak ko kasi wala daw makain mga anak ko kaya kunwari lang daw ang pagkahimtay ko.
Hindi naman siguro ako tanga para kuya na gustuhing saktan katawan ko at ulo ko na maumpog.
Kaya sana tulungan mo po akong makauwi na ng Pilipinas. Nagpapasalamat. Jackylin P. Namoca
*****
Ang hinaing ni Mrs.Namoca ay naiparating na ng U-OFW sa POLO-OWWA RIYADH,OWWA RAD, POEA REPATRIATION UNIT at OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR.
Nailahad na rin ni Jackylin ang kanyang pinagdadaanan sa pinapasukang amo na si AMMED MOHAMED MOHAMED ALNISWAN sa Amam kaya tinatawagan natin ang pansin ng M&P recruitment agency ang nagpadala kay Mrs. Namoca sa Saudi at ang counter-part nitong agency sa Saudi na Reyad Altameme at sa mga nabanggit na ahensya ng gobyerno na aksyunan ang hinaing ng ginang.