Sir/Mam,
Pinagsamantalahan po ako ng amo ko tuwing magpapadala ako ng pera sa ‘Pinas kailangan magamit din nya ako. Sinira nila battery ng cellphone ko para ‘di ako makapagsumbong. Work po ako dati sa apat na bahay nung ‘di ko na po kaya nakiusap po ako sa kanila na kung pwede pauwiin na po ako ng ‘Pinas. Pero ibinenta nila ako sa pangalawa kung amo.
One month lang po ako dun at binenta uli ako dito sa pangtatlo kong amo.
At dito nga ay may nakaaway po ako na isang Indonesian na kapwa ko katulong. Kaya bumalik na naman po ang takot ko dun sa dati kung amo.
Hindi ako makatulog ng maayos. Please po hinihiling ko lang po ay makauwi ng Pilipinas ng ligtas at maibalik sa akin ang mga gamit ko po na pinag trabahuhan ko po un dun sa una kung amo. Please po ‘di ko na kaya mag stay dito mababaliw po ako.
–Karen
***
Si Miss Karen ay ni-recruit ng SUPREME OVERSEAS MANP. EXPORT sa Pilipinas na ang counterpart agency sa Saudi ay NAIF SULEMAN AL SUBIH. Hunyo 20, 2015 pa nang dumating si Karen sa TAYMA, Tabuk, Kingdom of Saudi Arabia.
Ayon kay G. Monterona, convener ng United Overseas Filipinos Worldwide, (U-OFW) naipadala na nila ang kahilingang ito ni Ms. Karen sa POLO-OWWA RIYADH, OWWA RAD, POEA REPATRIATION UNIT, OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR at maging sa SUPREME OVERSEAS na nangako namang gagawin ang kanilang tungkuling i-follow-up sa kanilang counterpart agency sa Saudi ang kaso. Pero nananatiling mabagal ang aksyon kaya nakipag-ugnayan ang U-OFW sa BayaniKa para magsanib-puwersa sa pagkalampag sa mga nabanggit na ahensya ng gobyerno at sa kanilang recruiter.
Makikipag-ugnayan ang BayaniKa sa pamamagitan ng aming reporter na si Armida Rico para i-follow-up ang kaso ni Miss Karen upang maiuwi na ito ng Pilipinas sa lalong madaling panahon.